Miyerkules, Pebrero 20, 2013











KASIYAHAN at KAGINHAWAAN sa STA. MARIA, BULACAN MATATAGPUAN

KASAYSAYAN

          Ang Santa Maria ay dating bahagi ng Meycauayan hanggang sa magingganap na itong pueblo o bayan noong 1792. Noong 1793, itinayo ang luklukan ng pamahalaan sa poblacion. Si Andres dela Cruz ang kauna-unahang gobernadorcillo o capitan ng Sta.Maria. Siya ay hinalinhan ng 88 pang gobernadorcillos sa panahon ng pamamahala ng mga Espanyol.Noong 1895, sa bisa ng Batas Mauro, ang titulong "gobernadorcillo" ay pinalitan ng "capitan municipal." Si Pascual Mateo ang kahuli-hulihang capitan ng bayan.
      
         Sa ilalim ng pamahalaang Amerikano, naglingkod si Maximo Evidente bilang kauna-unahang presidente municipal ng Sta. Maria mula 1899-1900. Siya ay sinundan ng 12 pang presidentes.Sina Agustin Morales (1928-1934) at Fortunato Halili (1934-1937) ang mga pinagkakapitaganan sa lahat ng mga naglingkod sa panahong yaon. Si Morales ay kauna-unahang nagpatayo ng "main water system" sa bayan at si Halili, na hindi kumuha ng kanyang sweldo kailanman, ay naging Gobernador ng lalawigan ng Bulacan.

Ang BAYAN ng STA. MARIA, BULACAN

Ano ang dapat ninyong ASAHAN?

 Asahan niyo ang malinis na kapiligiran tulad na lamang ng nasa larawan :

At masasayang ngiti ng kabataan:
Bakit nga ba Sta. Maria? 
Sa amin ang STA. MARIay isang napakasayang lugar na pinaninirahan ng masasaya at masisiglang mga mamamayan. Napakalinis ng kapaligiran na makakabuti sa inyong kalusugan . Maraming mga puno at halaman na magbibigay sa inyo ng malinis na hangin .

Mga Impormasyon: 

Land Area: 9,092

No. of Barangays: 24

Population (2007): 205, 258


Sawa ka na ba sa pagkain sa Maynila? 


Sa inyong pagdating dito sa Sta. Maria ay mabubusog kayo sa mga pagkain na sa inyo ay 


ihahain. Tulad na lamang nito:








Macapuno




















Polvoron Pinipig

















Pastillas



















Puto Pao


















Custard Cake















Salabat
Ano ba ang dapat ninyong ASAHAN sa inyong PAGDATING sa STA. MARIA?

LARO
Kapag ikaw ay bumisita sa Sta. Maria , Hindi lang magandang kapaligiran ang iyong matutunghayan , Kundi ang ibat – ibang laro din na nakakapagpasaya sa mga batang Bulakenyo tulad ng Patintero , Piko at Tumbang Preso .

PIKO
           Ang Piko ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas. Ang piko o tinatawag na "hopscotch" sa Ingles ay nagmula pa sa panahon ng Imperyo ng mga Romano. Ginagamit ito bilang pagsasanay ng mga tao sa loob ng militarya. Sa panahong iyon, ang mga sundalo ay tatalon ng 100 na talampakan na parang at suot-suot ang kanilang mga kagamitan. Naniniwala sila noon na ang ganitong pagsasanay ay nakakapag-paganda ng katawan, lakas at resistensiya sa mga paa ng mga sundalo.

          Ang mga batang romano ay inilabas ang ganitong ehersisyo o pagsasanay sa labas ng kampo at ginawan nila ito ng bagong takdaan ng mga puntos.

Paano ito Nilalaro?
         Ang manlalaro ay kailang maghagis ng kanilang mga pamato sa loob na guhit. Kailangan di ito nasa guhit o sa labas ng guhit.
          Ang manlalaro ay di dapat nakakaapak sa mga guhit.Hindi siya maaring tumigil habang siya ay kumakandirit.Hindi siya maaring magiba ng paang ginamit habang kumakandirit.

PATINTERO


          Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay angbilang ng miyembro ng bawat kuponan.
             Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo.
         Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan.
         Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Paano ito nilalaro?
        Ang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo.Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan.Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi

Tumbang preso
        Tumbang Preso ay isang laro na kinawiwilihan ng mga batang Pilipino. Ito rin ay kilala bilang Presohan Ito ay madalas laruin sa kalye o sa bakuran .

Paano ito  nilalaro
           Ito yung may isang taya sa harapan at kayo ay nasa base(isang guhit sa lupa na di kayo pwedeng lumagpas), kailang mo ng tsinelas at isang lata. Sa paglalaro ng tumbang preso ang taya ay nagbabantay sa kanyang lata na huwag tamaan ng sinelas ng tumitira, nas loob ng bilog ang sinelas at kapag walang naka tira nito ang pinaka malayong sinelas sa bilog ay siya ang magiging taya, kapag tinamaan mo ang lata at ito ay tumayo ikaw ang taya, kapag nakulong sa bilog ang iyong sinelas – ikaw ang taya, kapag tinamaan mo ang lata at natumba ito dali dali kayong kunin ang sinelas ninyo bago maitayo ang lata ng taya at maabutan kayo ng taya na wala sa base.

Bakit nga ba ito tumagal?
      Ang larong ito ay matagal ng nilalaro. Ito ay tumagal hanggang ngayon dahil ito ay masaya, magandang laruin at makatutulong sa kalusugan.


KABUHAYAN
         Isa rin sa pinagmamalaki ng Sta. Maria ay ang kanilang kabuhayan. Isa sa kialalang pinagkakakitaan ay ang paggawa at pagtitinda ng paputok dahil kiala ang bayan bilang Firework Capital of the Philippines.
paputok

Ang Bulacan ay kilala bilang “Firework Capital of the Philppines”. Kaya naman ay kahit saang lugar ay makakabili ka ng paputok na inyong nais. Kaya naman ay tuwing sasapit ang Bagong Taon ay ang daming tao ang dumadayo


pangingisda

Isa sa mga pangunahing hanapbuhay sa Sta.Maria,Bulacan ay ang pangingisda . Isa rin sa mga malaking bentahan ng isda ang lugar na ito.Kaya ang mga tao dito ay laging panatag na ang kanilang binibiling lamang dagat ay kahit  sa murang halaga ay  malinis at masustansya


PAGSASAKA
Pagsasaka  ang isa rin sa mga kabuhayan dito sapagkat parte ang Sta. Maria ng Gitnang Luzon . Masagana rin ang pagsasaka dito dahil malawak ang mga lupain,maganda ang mga lupang pinagtataniman at malinis ang kapaligiran na angkop sa pagsasaka.




MARAMING SALAMAT!





Marami pong Salamat sa pagbisita sa aming blog. Itong blog po ay proyekto namin sa PIlipino na may layuning makatulong mapalaganap ang turismo sa ating bansa. 

Maari po kayong mag-iwang ng komento ukol sa aming gawa. Maraming Salamat po ulit!  God Bless po. 



62 komento:

  1. It's good to see this blog po kasi it can maintain our tourism and this blog can be seen by our dayuhans. :))

    TumugonBurahin
  2. It's more fun in the Philippines, indeed.. this must be recommended :)

    TumugonBurahin
  3. Mas maganda kung araming lrawan pra mas lalong mgustuhan ng mga magbabasa.pro maganda n ang gnawa nyo.Nice work

    TumugonBurahin
  4. ang cute ng blog ninyo...

    sobrang dami kong natutunan at napulot na aral...

    mas nakita ko rin ang kagandahan ng Pilipinas na pwedeng mag-attract sa mga taga-ibang bansa...

    <3

    TumugonBurahin
  5. gandahan nyo yun pagpili ng pictures para hindi blurred. :)

    TumugonBurahin
  6. I hope with the help of this, we can attract tourists to got to our country :)

    TumugonBurahin
  7. Thanks po for sharing this blog. Gusto kong mapuntahan to. It's been years since I've visited the place. ^___^ Sana may info about sa progress nila.

    TumugonBurahin
  8. kamangha-mangha ang ginawang blog, sana'y dumami ang mahikayat na pumunta sa nasabing lugar. =)

    TumugonBurahin
  9. Maganda pala pumunta dito Sta.Maria Bulacan. Madaming matatamis na pagkain at marami ring magagandang laro..marami ring pwedeng gawin diyan,sana makapunta ako diyan balang araw

    TumugonBurahin
  10. ang ganda talaga sa bulacan hayahay ang buhay

    TumugonBurahin
  11. Ang cute ng blog. Pero mas maganda kung hindi po blurred ung pics. Yun lng

    TumugonBurahin
  12. Thank you sa pag-post ng informative blog kagaya nito.. Marami akong nalaman about sa Sta. Maria Bulacan.

    TumugonBurahin
  13. Suggest ko lang po.. Gawin niyo lang pong dark colors yung text niyo para madaling basahin Nakaksilaw po kasi kapag light yung color ng text. Anyways, very informative yung blog niyo. Lalo na nakakatakam yugn mga pagkain. :D

    TumugonBurahin
  14. Ang ganda nung blog nyo. pero sana nilakihan nyo pa ung mga importanteng pictures sa blog ninyo. :)

    TumugonBurahin
  15. Maganda po peaceful po ung background nung Blog ninyo.
    Masyado nga lang malaki ung Font Nakakalula po.

    TumugonBurahin
  16. Napaka-kumpleto ng blog nyo.. pictures and background color lang :))

    TumugonBurahin
  17. Napakapeaceful ng background niyo.. Maraming info akong nalaman..

    TumugonBurahin
  18. Maganda ang nilalaman ng blog. Nawa'y makapanghikayat ito ng mga bibisita sa Sta. Mari hindi lamang sa tuwing sasapit ang Bagong Taon.

    TumugonBurahin
  19. miss ko na maglaro ng patintero, maganda laruin yan ee

    TumugonBurahin
  20. nice blog,i suggest lang na maglagay pa sana kayo ng information tungkol sa mga deserts

    TumugonBurahin
  21. Maganda ang pagkakagawa ng blog... very informative, and organized.. makikita talaga ang kagandahan ng Sta. Maria :)

    TumugonBurahin
  22. Mas nagustuhan ko tuloy pumunta sa Bulacan, malapit lang sa province namin.. :)

    TumugonBurahin
  23. Ang ganda pala sa Sta. Maria Bulacan =)))

    TumugonBurahin
  24. Masaya talaga maglaro ng mga larong Pinoy.. :)

    TumugonBurahin
  25. Maganda ang blog niyo at maraming impormasyon ang makukuha dito

    TumugonBurahin
  26. bulacan ang province ng lolo ko! sabi nya may ibang dialect daw sila dyan pero parang tagalog din naman daw medyo iniba lng, gusto kong makapunta dyan sa sta. maria! ty for the info!

    TumugonBurahin
  27. Ang ganda naman.. Ang sya maglaro ng piko at tumbang preso. Dito sa amin lagi namin nilalarong magpipinsan yan..:))))

    TumugonBurahin
  28. Napkasarap talaga ng custard cake at ng puto pao..

    TumugonBurahin
  29. Firework Capital talaga ang Bulacan dahil kapag palapit na ang Bagong Taon bumibili ang tito ko sa Bulacan..

    TumugonBurahin
  30. Informative blog. di sya nag lalack ng informations. Maganda din kung maglalagay kayo ng video :)

    TumugonBurahin
  31. Ang galing naman parang ang saya mag laro ng piko at patintero. gusto kong mapagaralan na gawin yan

    TumugonBurahin
  32. - Minsan na akong nanirahan sa Bulacan , Totoong napakaganda dyan , Dahil napakalinis ng lugar dyan , Ang sarap ng simoy ng hangin lalo na sa umaga , Hindi uso ang mga polusyon , Lalo na dun sa California Gardens , feeling mo para ka talgang nasa malayong probinsya dahil sa katanagin ng kapaligiran ,, Hindi rin nakakaboring dun dahil maraming pwedeng gawin , may mga resorts dun , Marami din doong mga buko , Minsan pag wala kaming magawa , umaakyat kami dun ...

    TumugonBurahin
  33. like it ! na try nanamin ang pumunta diyan akala ko simple lang .. pero ang dami pa palang pwedeng gawin diyan .. thanks :))

    TumugonBurahin
  34. sana mas maglagay pa kau ng maraming facts at pics para mas maganda ang blog niyo nice blog....

    TumugonBurahin
  35. okay naman po yung blog..suggest lang po, uniform po sana yung size ng text and kung ggmet ng font colors; yung contrast sana sa background nyo. yun lng naman ^_^

    TumugonBurahin
  36. Nice blog! Napaka-exciting pa lang pumunta ng Bulacan! Sana'y marami pang turista ang ma-engganyong pumunta sa Sta. Maria, Bulacan. :))

    TumugonBurahin
  37. Napakasarap ng pastillas sa Sta. Maria Bulacan. At naranasan ko na din mag-laro ng patintero. Napakasaya laruin ang larong ito. :)

    TumugonBurahin
  38. This blog is very interesting... I hope that you will make one for every other provinces as well.. This wil boost our tourism.. kudos..

    TumugonBurahin
  39. Very informative blog.. you can also put links from other sites which are related to your blog.. and add some videos too.. but overall, hands down guys..

    TumugonBurahin
  40. Ang dami palang laro na magagawa diyan sa Sta.Maria,Bulacan.hindi nakakabagot ,sana ay mgalagay pa kayo ng videos at information about dun sa mga laro.

    TumugonBurahin
  41. ok...maganda naman ung blog pero dapat nagdagdag kayo ng kung paano gumawa ng paputok ehhh para makagawa din ako!! hahah
    si johnrey to...gamit ko lng ung gmail ni mama!!!

    TumugonBurahin
  42. paborito kong nilalaro ang mga yan lalo na ang tumbang preso

    TumugonBurahin
  43. informative blog..nice work..helps tourism in our country..two thumbs up!...

    TumugonBurahin
  44. maganda blog niyo maraming malalaman na mga facts tungkol sa Bulacan

    TumugonBurahin
  45. you made a very useful blog by promoting tourism in bulacan through this informative article.. keep it up..

    TumugonBurahin
  46. Ang aking lola,nang kami ay nakadalaw sa Sta.Maria Bulacan ay madalas maghanda ng polvoron at pastillas.Ang aking mga pinsan kasama na rin ako ay nagtanong kung puwede kaming gumawa ng pastillas.Itinuro naman ito sa amin ng aking Lola.At sa unang pagkakataon,ako,sa wakas ay nakagawa ng pastillas. Tunay nga itong masarap at may kahit na unting sustansya dahil ito ay gawa sa gatas :) Kaya naman nakaka-relate ako sa inyong Blog.:)

    TumugonBurahin
  47. Ipagmamalaki ko talaga ang probinsya ko. Nice Facts about Sta. Maria.

    TumugonBurahin
  48. Maganda pala sa Sta. Maria, Bulacan. Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar na ito pero nagkaroon na agad ako ng magandang impresyon rito dahil hindi lang pala mga tanawin ang meron sila kundi mga masasarap na pagkain din.
    Maganda rin yung blog, naka-organize yung mga detalye. Yun lang. Salamat sa mga impormasyon. :)

    TumugonBurahin
  49. Maganda talaga ang mga lugar sa Pilipinas.

    TumugonBurahin
  50. Salamat sa blog nyo at marami akong natutunan tungkol sa Sta. Maria, Bulacan. Sana ay lalo pang umunlad ang turismo sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  51. Wow! Ang dami palang pwedeng gawin dyan. At nakakatakam yung mga pagkain. Punta nga kami dyan minsan. :)

    TumugonBurahin
  52. Ang Ganda Dana Makapunta Rin ako Dayn. :))

    TumugonBurahin
  53. Sana makapunta kami dyan minsan. Gusto ko ng CUSTARD CAKE!!

    TumugonBurahin
  54. tara na biyahe tayo sa Sta. Maria, Bulacan!!!

    TumugonBurahin
  55. Buti pa sa mga probinsya tulad ng Sta. Maria, Bulacan at malinis pa ang hangin. Sana ganyan din dito sa Maynila.

    TumugonBurahin
  56. kay saya at kay gaganda ng ng lugar at paputok sa sta.maria bulacan...

    TumugonBurahin